15
Feb
07

Eh ano ngayon kung naka-pula ka?

Naka-blue naman si Ryan.

Ito ay isang walang kwentang post, kaya ‘wag nyo na itong basahin. Nagsabi lang kasi ako kagabi kay Ryan na maglalagay ako sa blog ko ngayon ng post na ganun yung title. Baka naman sabihin nya wala akong isang salita. Kaya heto.

Walang kwenta yung UP Fair! Pahirapan maghanap ng alak. Beer nga lang iniinom ko, wala pa. Buti na lang andun si Bidz. Mabuhay ka Bidz!

Beer daw ang sleeping pills ko, sabi ni Tim. Kaya pinadalhan nya ako ng kanta. Heto yung ilang linya:

One may think we’re alright, but we need pills to sleep at night. We need lies to make it through the day. We’re not okay.

Hindi ko naman napakinggan yung mp3 na pinadala nya. Sira laptop ko eh. Next week na lang ‘pag napaayos ko na.

I have to find the passage back to the place I was before.

Yan yung sinulat ko dun sa pulang lobo na napulot ko sa Sunken kagabi. Pula. Lahat ng bagay pula. Lahat ng tao naka-pula. Ang sakit sa mata. Buti na lang pumutok yung lobo. At least nabawasan ng pula.

You know what I hate? Australia. And France. Palawan, I hate a little too. Likewise, Davao and Quezon Avenue.

Bago pumutok yung pulang lobo sabi ko kay Ryan sulatan din nya. Write something profound, sabi ko. Sinulat nya, “I’m drunk.”

Ayus.


Leave a Reply




Faute de Mieux


Travel, trouble, music, art
A kiss, a frock, a rhyme --
I never said they feed my heart
But still they pass my time.

- Dorothy Parker

 

February 2007
S M T W T F S
« Jan   Mar »
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
25262728  

Categories

Archives