May soundtrack ang buhay ko. Seryoso. Isang kanta lang na paaulit-ulit kong naririnig. Ni hindi ko man lang yun gusto. Ni hindi ko man lang alam lyrics nun. Pero paulit-ulit syang tumutugtog sa utak ko. Parang sirang plaka. Parang CD na pinirata.
Sabi ng mga psychologists mas malaking porsyento daw ng kinikilos natin ang idinidikta ng subconscious. Yung mga maliliit na bagay na hindi natin napapansin. Yung mga hindi natin alam kung bakit natin ginawa, o hindi man lang natin alam na ginagawa natin. Pati na rin yung mga bagay sa panaginip natin. Pati na rin siguro yung mga kantang tumutugtog ng paulit-ulit sa likod ng utak natin.
Dalawang linggo na ata ito, hindi na sya normal. Kung meron akong piso sa bawat ulit na narinig ko yung kantang yon, ilang kahang beer na siguro ang nabili ko.
Buti pa, bumili na lang ako ng iPod. At least mapipili ko pa kung anong kanta yung kasama sa soundtrack ng buhay ko. Kesa naman ganito, puro ikaw na lang yung naririnig ko. Nakakasawa na. Tumigil na sana ‘to.
Recent Comments