Panalo talaga ang COMELEC!
Eto, pinublish nila online yung listahan ng mga registered voters. Ayus! Madali na makahanap ng info tungkol sa mga crushes! Hehe.
O di ba, since nakalagay yung mga full names, pati yung middle names, ng mga botante, mas-accurate na ang pag-FLAMES. Malalaman niyo na kung ano ba talaga ang lagay, kung friends lang ba o baka pwede namang maging sweethearts.
Hindi lang yun, malalaman nyo pa kung compatible talaga kayo, kasi nakalista din doon yung mga birthdays. Eh di madali ng alamin yung mga zodiac signs. Nakalagay din yung year of birth. Ibig sabihin, bukod sa hindi na nila madadaya yung edad nila, malalaman nyo na yung compatibility nyo, based naman sa Chinese horoscope.
Pero mas masaya pa, nakalista din yung mga addresses. Yahoo! Mahahanap at mapupuntahan nyo na yung bahay nila. Pwede nyo na abangan sa labas ng gate. Hindi na nila kayo matatakasan.
Yun nga lang, mga botante lang ng NCR yung nakalista. Kung sa labas ng-NCR naka-rehistro yung crush nyo, sorry na lang kayo. Hintayin nyo na lang na maglabas ng listahan yung COMELEC ng ibang regions.
O ano? Sige na, game na. Simulan na ang pag-stalk.
Hehe.
Recent Comments