Di mo man ako ibigin, paulit-ulit kong sasabihing mahal na mahal na mahal kita. Sakali mang ako’y kamuhian, ilang beses mo mang iwanan, mamahalin pa rin kita. Kung di man sa kasalukuyan, maaring sa kinabukasan, mahalin mo rin ako. Kung di man magkatotoo ang pinapangarap ko, sa’yo pa rin ang puso ko.
Kung di man sa kasalukuyan, maaring sa kinabukasan, mahalin mo rin ako. Kung di man magkatotoo ang pinapangarap ko, sa’yo pa rin ang puso ko.
Di man dumating ang araw na makita ko ang ilaw sa’yong mga mata, mahal pa rin kita. Di man tumigil ang ulan, pagtaguan man nang buwan, mamahalin pa rin kita. Kung di man tanggapin ang awit nitong pusong lumalapit, hindi ako mamimilit. Wag ka sanang magagalit kung ako’y paulit-ulit. Hanggang dito na lang. Bukas ulit.
Tara. Manood tayo ng The Jerks bukas sa Bistro. :)
Recent Comments