
Wala kaming magawa nung Sabado. Walang gustong umuwi. Nagpa-gas si Micka. Full tank. Road trip! Pampanga? Ayaw. Laguna? Oks. Majayjay!
Eto kasing si Julie. Sa isang linggo ata, limang beses nyang sinasabi kung gano kaganda sa Majayjay. May falls. Masarap mag-camp. Nakaka-inlab. Eh hindi pa kami nakapunta dun. O di sige, go!
Ang hindi sinabi ni Julie, kung gano kalayo sa kabihasnan yung lugar na yun. Umalis kami ng Quezon City ng hapon. Gabi na wala pa rin kami sa patutunguhan namin. Gusto na naming bumalik kasi nakakatakot yung daan at dalawa lang kaming gurls na bumabyahe. Pero sige, keri lang, go!
Hindi namin alam kung pano pumunta dun. Sa San Pablo daw yung daan. Okay. SLEX. Calamba exit. Calamba, Los Banos, Santa Cruz, Calauan, Pili, Pagsanjan. Teka lang, bakit walang San Pablo? Naliligaw na ata tayo.
Follow the yellow brick road lang. Buti na lang mababait mga Pilipino. Dami naming pinagtanungan, wala namang nanggago. Eh pano pala kung may sira-ulong pinaikot-ikot kami hanggang nandun na kami sa dulo ng mundo? Buti na lang mababait mga Pilipino.
Alas-siete y medya nandun na kami. Sa wakas. Tangina ang ginaw! Baguio na ba ito?
Sa tindahan bago bumaba papunta sa falls, nagpakilala sa ‘min si Karla. Sexy, mabait, maganda. Ay, sister! Ayan, may guide na tayo. Pero madilim na, hindi na natin makikita yung daan. Bukas na umaga na lang. Inom na lang tayo.
Ang haba naman ng salaysay na’to. Basta, ganun na yun.
Majayjay.
‘Pag wala kayong magawa ng weekend at gusto nyong tumakas sa Maynila dun na lang kayo pumunta. Wag maging dayuhan sa sariling bayan. Pumasyal kayo sa Majayjay. Hanapin nyo si Karla. Sabihin nyo, pinapunta ko kayo.
Recent Comments