Hindi ako masyadong interasado sa Olympics kasi wala naman akong alam sa sports. Nung bata pa ako ayaw akong isali ng mga kaklase ko sa mga laro, kahit patintero, handball, o Chinese garter pa yan, kasi siguradong kung san mang grupo ako masali, talo. E pano naman kasi hikain na nga ako noon, lampa pa.
Kaya hindi na rin ako nahilig maglaro ng kahit na anong sport. Nung high school sinubukan kong maglaro ng softball. Kaso ni isang beses hindi ko ata tinamaan yung bola. E di nag-football na lang ako. Kaso hindi rin pala ako marunong sumipa. Kaya sinubukan ko na lang maglaro ng mga non-team sports. Kasi naisip ko, kung wala kang teammates, walang sasama ang loob sayo kung ikaw ang dahilan ng pagkatalo ng team. So nag-aral ako mag-taekwondo, teacher ko si Kim Gun Do. Inayawan ko rin pagka-ilang buwan. Hindi ko pala naintindihan ang ibig sabihin ng sparring.
Pagdating ng kolehiyo nag-prerog ako ng basketball kay Ma’am Juliano. Naisip ko sa kakapanood ko kina Alvin Patrimonio at Richie Ticzon, siguro naman kaya ko na yung larong yon. Alam ko naman ang ibig sabihin ng travelling at double dribble. Kaso nasigawan pa rin ako ni Ma’am J. Hehe
Ewan. May mga tao ata talagang hindi binabagayan ng sports. Magaling naman akong magkabisa ng mga rules. Hindi ko lang talaga alam ang gagawin kapag may pumito na.
Kaya syempre, laking gulat ko nung kailang nakapulot ako ng bola. Syempre hindi ko alam kung anong gagawin dun. E ikaw ba naman, iniiwasan mo ngang maglaro, hinagisan ka pa rin ng bola. E di syempre matataranta ka. Lalo nang hindi ka handa, kapag pumasok ka sa korte, baka madapa ka lang. Mapapahiya ka na, magkakapasa ka pa. Aruy.
E baka ikaw interasado ka. Baka alam mo kung anong dapat na ginagawa sa bola. Eh di eto yung napulot ko, ibinibigay ko na sa iyo, iyo na lang. Bahala ka na dyan ha.
;D
Recent Comments